Ikaw
ang lupang kayumanggi
Perlas
ng silangan
Sa
dayuha’y paraiso
Pinagpala
ng Maykapal
Bundok,
patag, at dagat
Sa
yamang likas ay sagana
Ngunit
ang nais ko’y maglakbay
Sa
lupaing banyaga
Sa
katuparan ng masaganang bukas
Kaya’t
paalam bayan kong Pilipinas
‘Pag
ako ay nariyan
Para
bang suntok sa buwan
Ang
umasa sa mga pinuno nami’t mambabatas
Di
ko nais ang maluho’t
Marangyang
pamumuhay
Brilyante,
ginto at pilak
Mga
magarbong kotse’t bahay
Hangad
ko lamang ang gumising
Sa
isang bagong araw
Na
mahal kong mag-anak
Sila
kong natatanaw
At ika’y di na kailangang lisanin
Na di tiyak ang sa malayo’y sasapitin
Sa’yo sana ay sapat
Pagkayod ko ng puyat
Lahat sana’y maging tapat sa kanilang tungkulin

No comments:
Post a Comment